Lolo sugatan sa salpukan sa Quezon City

By Ricky Brozas March 11, 2018 - 11:03 AM

Sugatan ang isang Benito Aguba, 60 anyos, makaraang salpukin ang kanyang pinagseserbisyuhang Jeepney ng isang pickup truck madaling araw ng linggo.

Naganap ang aksidente sa bahagi ng Sto. Domingo, Quezon City.

Nabatid na magdedeliber sana ng gulay ang sinasakyang jeep ni Aguba sa Balintawak Market nang mangyari ang salpukan.

Sa kuha ng CCTV, makikitang binabagtas ng pick up ang Biak na Bato Street, nang makasalpukan ang jeep na binabagtas naman ang Cuenco Street.

Giit naman ng driver ng jeep na si Crispin Donatos, siya ang nasa Biak na Bato Street nang biglang salpukin ng pick up.

Tumangging magbigay ng anumang pahayag ang driver ng pick up na kinilala bilang si Archimedes Aguilar, 24 anyos.

Nasa East Avenue Medical Center si Aguba na nagtamo ng mga sugat sa ulo at katawan matapos maipit sa tumagilid na jeep ng halos isang oras.

TAGS: Benito Aguba, quezon city, Benito Aguba, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.