Diño sa baranggay officials sa narco list: “Walang forever’

By Justinne Punsalang March 11, 2018 - 05:10 AM

Nagbabala si Department of Interior and Local Government (DILG) undersecretary Martin Diño sa mga pinuno ng barangay na ‘walang forever’ sa kanilang hinahawakang posisyon.

Ito ay matapos niyang isiwalat na 9,000 mga barangay kapitan ang nasa narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Aniya, desidido ang pangulo sa pamamagitan ng DILG na tanggalin sa kanilang trabaho ang mga barangay captain na sangkot sa iligal na droga.

Dagdag pa ni Diño, gusto niyang makasuhan at makulong ang mga barangay chairman na nasa narco-list.

Nagpaalala rin ang opisyan sa mga kawani ng barangay na isumite na nila sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kanilang mga barangay drug watchlist bago o sa mismong araw ng March 21. Kung hindi ay posible silang masuspinde o matanggal rin sa pwesto.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.