Nagbabala ang mga awtoridad sa Japan sa panganib na dulot ng pag-aalburoto ng Mount Shinmoedake.
Ito ay matapos ang mas lumalang aktibidad ng bulkan na mula sa pagbubuga ng abo ay naglalabas na ng malalaking bato sa ngayon.
Ibinabala ng Japan Meteorological Agency (JMA) ang panganib ng pagbagsak ng mga lumilipad na bato mula sa 4-kilometer radius sa paligid ng bulkan.
Naitala na ang malalakas na pagsabog ala-1:54 at 4:27 ng umaga ng Biyernes sa Japan habang ilang mga pagyanig din ang naranasan sa mga istruktura malapit dito.
Umabot naman sa taas na 4,500 meters ang layo ng usok na ibinuga ng bulkan sa himpapawid.
Ilan na sa mga residente na naninirahan sa paligid ng Mount Shinmoedake ay nakasuot na ng mga helmet bilang proteksyon sa abo at mga batong posibleng bumagsak.
Tanyag ang bulkang ito matapos maipalabas sa pelikula ni James Bond noong 1967 n a ‘You Only Live Twice’.
Inaasahang tatatagal pa sa ilang buwan ang aktibidad ng bulkan.
Noong 2011 huling sumabog ang Mount Shinmoedake na nagdulot ng paglikas ng libu-libong katao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.