NLEX pinataob ang Magnolia sa opening ng PBA Cup semis

By Rhommel Balasbas March 11, 2018 - 04:33 AM

Wagi ang NLEX kontra Magnolia hotshots sa kanilang gitgitang laban para sa game 1 ng 2018 PBA Philippine Cup semifinals sa iskor na 88-87 sa Smart Araneta Coliseum Sabado ng gabi.

Malaki ang kontribusyon ng rookie na si Kiefer Ravena sa laro na tiniyak na papasok ang dalawang free throw sa huling 14.4 seconds ng laban na nagsiguro sa kanilang panalo.

Ayon kay NLEX head coach Yeng Guiao, ang pagkakapasok nila sa semis ay tila isa lamang ‘adventure’ na kanilang ine-enjoy.

Bagaman malaki ang kontribusyon ni Ravena sa kanyang 16 points, nanguna para sa koponan ang veteran guard na si Cyrus Baguio sa kanyang 17 points habang si Alex Mallari naman ay mag 14 points.

Nanguna naman para sa Hotshots sina Ian Sangalang at PJ Simon na mayroong tig 21 at 20 points.

Magaganap ang game 2 sa pagitan ng dalawang koponan sa Lunes ng gabi sa Mall of Asia Arena.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.