Mga lalaking pulis-Baguio nagsuot ng heels bilang suporta sa women empowerment
Sampung mga lalaking pulis at tatlong mga lalaking jail guards ang nagsuot ng heels bilang pagsuporta sa mga kababaihan sa Baguio City para sa paggunita sa Women’s Month.
Ayon sa mga pulis at jail guards, hiniram nila ang mga sapatos ng kanilang mga asawa at kasintahan, kapatid at kamag-anak na babae, at mga katrabaho para lamang sa nasabing pagdiriwang.
Ani Outstanding Women Leaders (OWL) adviser Patti Gallardo, ang pagsusuot ng heels ng mga kalalakihan ay kanilang paghalaw sa “Walk A Mile In Her Shoes” project ng Estados Unidos na nagsimula noong 2001.
Paliwanag ni Gallardo, sa pamamagitan nito ay napag-uusapan sa mga diskurso ang gender relations, domestic at sexual violence, maging rape.
Ipinapakita aniya nito na handa ang mga kalalakihan na gawing safe place para sa mga kababaihan ang buong mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.