Pamamaril sa binatilyo sa Tondo, Maynila iimbestigahan na rin ng CHR

By Justinne Punsalang March 11, 2018 - 04:15 AM

Nagsasagawa ngayon ang Commission on Human Rights (CHR) ng kanilang sariling imbestigasyon tungkol sa pamamaril at pagkamatay ng 13 taong gulang na binatilyo sa Vitas, Tondo, Maynila.

Sa isang pahayag na inilabas ng CHR, sinabi nito na nagpunta na ang kanilang mga imbestigador sa Manila Police District (MPD) upang makakuha ng spot report tungkol sa pagkakabaril umano ni PO2 Omar Malinao kay Aldrin Pineda noong March 3.

Nakapagsagawa na rin aniya sila ng panayam sa mga saksi sa pangyayari, kabilang ang lola at kaibigan ni Pineda na naroon nang mabaril ito sa Vitas slaughterhouse.

Layunin ng imbestigasyon na agarang makamit ang hustisya para sa binatilyo.

Nauna naman nang nagpahayag ng pagkadusmaya si CHR commissioner Gwendolyn Pimentel-Gana na siya ring pinuno ng task force on extrajudicial killings tungkol sa paliwanag ni Malinao kung paano pumutok ang kanyang baril.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.