Rollback sa presyo ng oil products, asahan sa susunod na linggo

By Rhommel Balasbas March 10, 2018 - 09:25 PM

Magkakaroon ng bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ito ay matapos ipatupad ang dalawang magkasunod na taas presyo.

Inaasahang matatapyasan ng P0.50 hanggang P0.60 ang presyo ng kada litro ng diesel.

Samantalang ang presyo naman ng kada litro ng gasolina ay mababawasan ng P0.40 hanggang P.50 habang maglalaro naman sa P1.10 at P1.20 ang rollback sa presyo ng kada litro ng kerosene o gaas.

Ang rollback sa presyo ng oil products ay bunsod ng pagbaba ng halaga ng mga ito sa world market.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.