Malalaman na sa Lunes ang kahihinatnan ng isla ng Boracay.
Sa kanyang press briefing sa Alimodian, Iloilo ay sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na isasapubliko na sa Lunes ang action plan para sa isla.
Matatandaang nagpahayag si Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang isasailalim sa state of calamity ang isla upang mapadali ang rehabilitasyon dito.
Ibinabala rin ng pangulo na maaaring maharap sa mga kaso ang mga opisyal at business owners na hindi makikipagtulungan sa pambansang gobyerno sa pagsasaayos sa naturang tourist destination.
Ayon kay Roque, nakatakdang magpulong ang mga kalihim ng Department of Tourism (DOT), Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Interior and Local Government (DILG) sa Lunes at isasapubliko na ang mga planong isasagawa para sa Boracay.