Editor-in-Chief ng Top Gear Philippines na si Vernon Sarne, pinaaresto na

Credit: Top Gear Philippines

Pinaaresto na ng Manila Regional Trial Court ang dating Editor-in-Chief ng Top Gear Philippines na si Vernon Sarne.

Naglabas ang Manila RTC Branch 12 ng warrant of arrest laban kay Sarne kaugnay ng paglabag nito sa Republic Act 10175 o kasong cyber libel na kinakaharap nito dahil sa maling pag-aakusa sa isang motorista bilang gunman sa kanyang post sa Facebook.

Complainant sa kaso si Nestor Punzalan, na inakusahan sa Facebook ni Sarne na suspek sa kontrobersiyal na road rage sa Quiapo noong 2016.

Si Punzalan ang itinuro ni Sarne na pumatay sa siklistang si Mark Vincent Garalde dahil kapareho ang sasakyan nito sa suspek sa krimen na isang Hyundai Eon model.

Inako naman ni Sarne ang kanyang pagkalamali sa paglalagay ng Facebook profile ni Punzalan sa Facebook page ng Top Gear Philippines.

Nagrekomenda ang korte ng P10,000 piyansa para kay Sarne.

Read more...