China sa mga loan ng Pilipinas: “No strings attached”

By Rhommel Balasbas March 10, 2018 - 04:18 PM

Inquirer file photo

Iginiit nang gobyerno ng China na wala silang planong gawing loan collateral ang mga likas na yaman para sa mga loan agreements na pinasok ng Pilipinas.

Sa isang pulong balitaan sa Beijing ay sinabi ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Geng Shuang na hindi nila hiningi at kailanman hihilingin sa mga bansang papasok sa loan agreements na gawing loan collateral ang mga natural resources ng mga ito.

Ang pahayag na ito ng opisyal ay inilabas matapos ang isang ulat sa Global Times ng China na ang mga utang sa China ay may kaukulang katapat na natural resources bilang collateral.

Ani Geng, ang tulong at suporta ng China sa Pilipinas sa pamamagitan ng loan agreements ay ibinigay ng ‘no strings attached’ o walang kapalit.

Samantala, iginiit din ng opisyal na hindi makakaapekto ang sigalot sa South China Sea sa economic and trade cooperation projects sa pagitan ng Pilipinas at China.

Aniya, patuloy na makikipagtulungan ang China sa Pilipinas para magkasundo sa isang consensus sa ilalim ng mga lider nito para maresolba nang maayos ang isyu sa pamamagitan ng dayalogo at mga konsultasyon.

TAGS: Chinese Foreign Ministry Spokesperson Geng Shuang, loan agreements, Chinese Foreign Ministry Spokesperson Geng Shuang, loan agreements

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.