Gabriela, gustong kasuhan sina Tolentino at Agarao dahil sa ‘malaswang show’

By Isa Avendaño-Umali October 04, 2015 - 08:19 PM

 

Inquirer file photo

Pinag-aaralan na ng grupong Gabriela ang pagsasampa ng kaso laban kina Metropolitan Manila Development Authority o MMDA Chairman Francis Tolentino at Laguna Rep. Benjamin Agarao dahi sa “lewd show’ sa Laguna noong nakaraang Huwebes.

Ayon sa Gabriela, naghahanap na sila ng akmang reklamo na ihahain laban kay Tolentino, na itinuturong nagbigay ng ‘special gift’ na mga babae kay Agarao, na nagkataong nagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Dismayado ang Gabriela dahil namamayani pa rin anila ang ‘patriarchal mindset’ kung saan ang mga kababaihan ay ginagamit pa rin bilang ‘entertainment.’

Matatandaang matapos ang oath- taking ng Liberal Party sa Laguna, lumabas na ang tatlong babaeng miyembro ng ‘Playgirls’ sa stage at nagsayaw na ng malaswa.

Paulit-ulit na sinasabi ng emcee na ang mga ‘Playgirls’ ay regalo ni Tolentino kay Agarao, subalit kapwa ito itinanggi ng dalawa.

Nauna nang hinamon ng Gabriela si Pangulong Noynoy Aquino na sibakin si Tolentino bilang miyembro ng LP, bukod pa sa huwag na raw isama ito sa Senatorial ticket ng partido.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.