PLDT, pormal nang nakipag-ugnayan sa gobyerno sa pagbabalik ng radio frequencies

By Rhommel Balasbas March 10, 2018 - 04:10 PM

Inquirer file photo

Pormal nang ipinaalam ng PLDT Inc. sa gobyerno ang pagbabalik nito ng ilan sa kanilang radio frequencies na kailangan para sa papapasuking ikatlong telecommunications player sa bansa.

Sa sulat na ipinadala ni PLDT President and CEO Manuel Pangilinan sa National Telecommunications Commission (NTC) na may petsang March 5, sinabi nito na ibabalik na nila ang 10 Megahertz ng 3G radio frequency na ibinigay sa unit ng kumpanya na Connectivity Unlimited Resource Enterprise (CURE) nang libre.

Matatandaang hindi naging maganda ang pagtanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ideya na kailangan pang bayaran ng gobyerno ang mga telcos para lang magbalik ng frequencies.

Ang mga naturang frequency ay naipamahagi sa mga telcos ng libre.

Ang kopya ng sulat ni Pangilinan sa NTC ay ibinahagi sa social media ni Department of Information and Communications Technology Undersecretary Eliseo Rio Jr.

Sinabi ni Rio na naipaalam na sa pangulo ang naturang komunikasyon mula sa PLDT sa isang cabinet meeting kasama si Presidential Spokesperson Harry Roque.

Matatandaang nauna nang ipinahayag ng NTC na karamihan sa mga frequency ay hawak na ng dalawang telco at kinakailangan ang pagbabalik sa mga ito para mapapasok ang third telco player.

TAGS: dict, pldt, Telcos, dict, pldt, Telcos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.