AFP, itinuturing na tagumpay sa ‘violent extremism’ ang pagrekober sa 575 loose firearms sa unang bahagi ng taon
Malaking tagumpay kontra violent extremism.
Ganito mailalarawan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Brig. Gen Bienvenido Datuin ang pagrekober ng militar ng kabuuang 575 loose firearms sa unang bahagi ng 2018.
Ayon kay Datuin, ang kampanya kontra loose firearms ay malaking tulong sa pagtataguyod ng kapayapaan sa Mindanao sa pagpigil ng mga clan wars, pag-disarma ng mga private armed groups, at pag-kitil sa suplay ng armas ng mga local terror groups.
Kanya ring sinabi na-neutralisa ng AFP ang 51 Abu Sayyaf terrorists, kung saan siyam ang patay, walo ang arestado, at 36 ang sumuko sa Western Mindanao sa unang 65 araw ng taon.
Paliwanag pa ng opisyal, malaking tulong ang ibinibigay ng local government sa kanilang kampanya dahilan para maging matagumpay ito.
Sa 575 loose firearms na narekober ng AFP, nabatid na 239 dito ay nanggaling sa Sulu, 192 sa Zamboanga City, 30 sa Zamboanga Peninsula at Lanao Provinces, at 114 sa Central Mindanao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.