5 katao, patay matapos masunog ang isang bahay sa CDO

Patay ang lima katao nang masunog ang dalawang palapag na bahay sa Corrales Extension, Cagayan de Oro City, Sabado ng madaling araw.

Sumiklab ang apoy sa bahay ng pamilya Cirillo pasado ala-1:00 ng madaling araw habang natutulog ang mag-anak.

Tatlo sa mga nasawi ay pawang mga menor de edad na natagpuan sa ibat-ibang bahagi ng bahay.

Gawa sa light materials ang tahanan kaya mabilis ang pagkalat ng apoy.

Apat naman sa iba pang nakatira sa bahay ang nakaligtas sa sunog bagaman kinailangang isugod sa ospital.

Isa sa kaanak ng mga biktima na si Eduardo Cirillo ang nagsabi na walang fire exit at naka-kandado ang pinto sa harap ng bahay dahilan kaya nahirapang makalabas ang mga naninirahan dito.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon sa pinagmulan ng apoy.

Read more...