Pang. Duterte, numero unong terorista sa bansa – Sison
Inakusahan ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria “Joma” Sison si Pangulong Rodrigo Duterte na numero unong terorista sa bansa.
Sa isang pahayag, sinabi ni Sison na ito ay dahil sa umano’y hindi kontroladong pag-uugali ng pangulo at ilang paninirang-puri sa mga tao sa ilalim ng paglaban sa terorismo.
Aniya pa, nagiging panlaban umano ng Punong Ehekutibo ang pekeng listahan ng mga suspek para labanan ang oposisyon.
Dagdag pa nito, ang isinusulong na Federalismo ay plano para paigtingin ang kapangyarihan ni Duterte.
Malayo aniya ang planong Charter changer (Cha-cha) sa nais na pseudo-federal constitution.
Maliban dito, batay aniya sa kaniyang sources, isinama siya ng pangulo sa terror list na wala aniyang basehan.
Sinabi rin ni Sison na nagkukunwaring ignorante si Duterte at ang mga opisyal sa ilalim ng kaniyang administrasyon na nanalo siya sa legal cases kung saan naalis ang kaniyang pangalan sa EU list of terrorists at na-dismiss din ang inihaing kasong murder laban sa kaniya noong panahon ng Arroyo administration.
Giit pa nito, si Duterte rin ang responsable sa aniya’y “mass murder” sa 20,000 katao sa ilalim ng kampanya kontra ilegal na droga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.