Ilulunsad na ng gobyerno ang kauna-unahang Emergency Warning Broadcast System o EWBS.
Sinabi sa isang panayam kay Presidential Communication Operations Office Secretary Martin Andanar na ang EWBS ay ilo-launch ng government station na PTV4 sa ikatlong linggo ng kasalukuyang buwan ng Marso.
Sa pamamagitan ng nasabing sistema, mas mapapadali na ang paghahatid ng impormasyon sa iba’t ibang komunidad sa Metro Manila lalo na sa panahon ng kalamidad.
Ang EWBS ay gagamit ng TV frequency kung saan maaaring magpa-abot ng alarm o warning system sa maraming komunidad sa panahon ng bagyo, lindol at iba pang kalamidad.
Tinukoy ni Andanar ang kahalagahan ng ganitong sistema dahil ang Pilipinas aniya ay nasa Pacific Ring of Fire at dinadanaan ng maraming bagyo kada taon.
Nasa plano din na obligahin ang gumagawa ng mga digital TV receiver na maging compliant sa EWBS.