Isang jeep, sumalpok sa isang puno sa Quezon City; 5 sakay, sugatan
Sugatan ang limang sakay, kabilang ang drayber, ng isang pampasaherong jeep matapos sumalpok sa isang puno sa bahagi ng North Avenue, Quezon City.
Ayon sa traffic enforcer na si Carlos Poliga, mabilis ang takbo ng jeep.
Kwento naman ni Dorven Aragon, drayber ng naturang jeep, naramdaman niyang wala nang preno ang jeep habang binabagtas ang kahabaan ng Agham Road patungong North Avenue.
Dahil dito, binangga na lamang niya ang jeep imbes na madamay ang ibang sasakyan sa daan.
Aniya pa, tiniyak nito na nasa maayos na kondisyon ang sasakyan bago pumasada ngunit inamin mahigit 10 taon nang nagagamit.
Isinugod naman ang mga biktima sa East Avenue Medical Center.
Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Quezon City Traffic Sector kaugnay ng aksidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.