Panay na pagpili ng COMELEC sa Smartmatic, pinagdududahan ng mga senador
Ipinagtataka ng ilang mga senador ang palaging pagpili ng Commission on Elections (COMELEC) sa Smartmatic para maging provider ng automated election system.
Kabilang sa mga kumukwestyon dito ay sina Senate Majority Leader Tito Sotto, Senators Nancy Binay at Panfilo Lacson.
Sinabihan ng mga nasabing senador ang COMELEC na ikonsidera ang iba pang mga kumpanyang mayroong automated systems na may mas magandang reputasyon para sa May 2019 elections.
Ikinagulat rin nila nang malaman nilang bibilhin ng COMELEC ang 97,000 na gamit nang vote-counting machines mula sa Smartmatic.
Ayon kay Lacson, dapat humanap ng iba pang supplier o contractor ang COMELEC lalo’t hindi lang naman isang beses nakwestyon ang integridad ng Smartmatic at hindi ito dapat mabalewala.
Matatandaang noong nakaraang linggo lang ay isiniwalat ni Sotto ang umano’y anomalyang nangyari sa halalan noong May 9, 2016 kung saan nagkaroon ng maaga at unauthorizes transmisions ng mga boto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.