KZ Tandingan, hindi nakapasok sa Top 4 ng Week 8 ng ‘Singer 2018’

Bigong makapasok sa Top 4 ng Week 8 ng “Singer 2018” ang pambato ng Pilipinas na si KZ Tandingan.

Gayunman, wala namang naligwak sa contest ngayon dahil hindi nakapag-perform ang British singer na si Jessie J dahil sa sakit.

Nangangahulugan ito na mauurong sa susunod na episode ang elimination.

Kinanta ng Pinay singer ang “Real Gone” ni Sheryl Crow sa kaniyang performance kagabi.

Nanguna sa Top 4 si Wang Feng ng China, na sinundan ng mga kapwa niya rin Chinese na sina Tengger sa second place, Hua Chenyu sa third at Henry Huo sa fourth place.

Sa kabila ng hindi niya pagpasok sa Top 4, todo-suporta pa rin ang mga netizens kay KZ na aminadong hindi niya pa narinig ang awit na kaniyang kinanta.

Ibinunyag pa ni KZ na tatlong araw lang niyang pinag-aralan ang awit pero maganda pa rin naman ang naging kinalabasan ng kaniyang performance.

Read more...