40 pakete ng yosi, nakumpiska sa hilaw na isda na dala ng dalaw sa Cebu City Jail

By Kabie Aenlle March 10, 2018 - 03:02 AM

Photo courtesy of Bureau of Jail Management and Penology

Sinubukang ipsulit ng isang dalaw sa Cebu City Jail ang mga sigarilyong naka-plastic at isinilid sa mga hilaw na isda, hapon ng Biyernes.

Nahuli ng mga jail officers ang nagdala ng mga sigarilyo na si Alex Labajo Ortega na bisita ng inmate na si Michael Cabanes.

Nakumpiska ni JO1 Crisanto Cadimas ang 40 pakete ng sigarilyo na nakasiksik sa loob ng tiyan ng hindi bababa sa tatlong isda na itinahi para maisara.

Wala namang nakumpiskang iligal na droga mula sa bisita.

Dahil dito, parehong isinailalim sa imbestigasyon ang dalaw at ang preso.

 

TAGS: Cigarettes in raw fish, Cigarettes in raw fish

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.