Pinabulaanan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang lumalabas na balitang hindi na manghuhuli ang mga traffic enforcer ng mga traffic violators.
Ayon kay MMDA Acting General Manager Jojo Garcia, ‘fake news’ lamang ang kumakalat sa text at Viber.
Paliwanag ni Garcia, mahigpit pa ring ipinatutupad ang mga programa ng MMDA na may kaugnayan sa daloy ng trapiko sa ilalim ng pamumuno ni MMDA Chairman Danilo Lim.
Dagdag pa ni Garcia, ipinatutupad rin nila ang ‘No-contact apprehension policy’, pero patuloy ang panghuhuli ng mga traffic constables ng mga lumalabag sa batas trapiko.
Paalala pa ni Garcia sa publiko, huwag basta maniniwala sa mga nakikita sa social media at text message, dahil maari namang beripikahin ang impormasyon sa opisyal na website ng MMDA.