JICA at ADB, nag-donate ng pera para sa rehabilitasyon sa Marawi City

By Kabie Aenlle March 10, 2018 - 12:33 AM

Kuha ni Erwin Aguillon

Magbibigay ang Japan International Cooperation Agency (JICA) ng P1 bilyong halaga ng pondo para sa rehabilitasyon ng Marawi City.

Ayon kay Department of Public Works and Highways Usec. Emil Sadain, ito ang ipinangakong tulong ng JICA para maisaayos ang ilang bahagi ng 45-kilometrong Trans-Central Road.

Aabot sa P2.5 bilyon ang halaga ng pagpapagawa sa Trans-Central Road, at sinabi ng JICA na ang P1 bilyon nilang tulong ay posibleng simula pa lamang.

Samantala, magbibigay naman ang Asian Development Bank (ADB) ng $5 milyong halaga ng technical assistance.

Muli namang mag-uusap ang mga opisyal ng pamahalaan at ang ADB sa Lunes tungkol sa pagkakaloob nila sa kanilang emergency fund para sa pagbangon ng Marawi.

Ang nais aniya talaga ng ADB at JICA ay makabuo sila ng proyekto na kailangan para sa Task Force Bangon Marawi program, na naglalayong pausbungin muli ang inclusive economic growth sa lungsod matapos ang limang buwang bakbakan doon noong nakaraang taon.

Ayon pa kay Sadain, target din ng tulong na ibibigay ng ADB at JICA na makabuo ng mga bagong economic centers.

Nangangahulugan aniya ito na hindi lang ang 24 na barangay o ang most affected areas ang makatatamasa ng pag-unlad, kundi maging ang mga kalapit nilang barangay na nasa loob ng Marawi City.

Samantala, mauurong naman sa Mayo sa halip na sa Abril ang itinakdang groundbreaking sa reconstruction ng Marawi City.

Hindi naman anila ito isang pagkaantala dahil nakasaad sa orihinal na timeline ay huling bahagi ng Abril o unang bahagi na ng Mayo ito masisimulan.

TAGS: Marawi City aid, Marawi City aid

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.