5 arestado sa isang drug den sa Pasig City

File photo

Arestado ang limang drug suspects sa ikinasang raid sa isang drug den sa De Leon Compound, Purok 3, Brgy. Pineda, Pasig City.

Sa inilabas na report ng Pasig City Police Station Drug Enforcement Unit at Station Intelligence Unit, sa bisa ng search warrant, sinalakay ng mga operatiba ang drug den kung saan huli sa aktong nagpa-pot session ang tatlong suspek. Nakilala ang mga naaresto na sina George Divinagracia, 55 anyos, Caroline Catapang, 42, at Ralph Carlo de Leon, 19-anyos. Hinuli rin ang dalawang nagsilbing lookout ng mga suspek na sina Asuncion De Leon at Felix De Leon. Nakuha sa kamay ng mga suspek ang 23 pirasong sachet ng hinihinalang shabu, isang weighing scale, at iba’t ibang mga drug paraphernalia. Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga nahuling suspek.

Read more...