PNoy, dapat mag-sorry dahil sa malaswang sayaw sa isang LP event

By Chona Yu October 04, 2015 - 07:00 PM

 

Inquirer file photo

Pinahihingi ng paumanhin ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo ang Pangulong Benigno Aquino III matapos ang ‘lap dance’ controversy ng grupong ‘Playgirls’ sa oathtaking ng Liberal Party at birthday party ni Congressman Benjamin Agarao sa Laguna.

Ayon kay Pabillo, bilang ranking official ng LP, dapat na humingi ng paumanhin ang Pangulo sa taumbayan na kanyang itinuturing na mga ‘Boss’.

Sinabi pa ni Pabillo na malinaw na trapo o traditional politics ang nangyari sa Laguna.

Gagawin aniya ng mga pulitiko ang lahat ng paraan para lamang manalo sa darating na eleksyon.

Hindi aniya tama na basta na lamang i-deny ng LP ang insidente.

Una rito, sinasabing si MMDA Chairman Francis Tolentino ang nagregalo sa ‘Playgirls’ kay Agarao para sa kanyang kaarawan.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.