41 drug dependents na nakatapos ng rehabilitasyon sa Valenzuela tumanggap ng P20,000
Tumanggap ng tig-P20,000 ang 41 mga dating drug dependents na nakatapos na sa kanilang rehabilitation program.
Ang pera na mula sa city government ng Valenzuela ay tulong para makapag-umpisa sila ng maliit na negosyo.
Ang 41 ay 2nd batch ng rehabilitation graduates sa ilalim ng Valenzuela City Anti-Drug Abuse Council (VADAC).
Anim na buwan silang nanatili sa Mega Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center sa Nueva Ejica.
Ang mga nakatapos ng rehabilitasyon ay sasailalim pa sa anim na buwang monitoring para matiyal na hindi na nila babalikan ang bisyo.
May mga dadaluhan pa rin silang trainings at seminars para turuan silang maayos na hawakan ang kanilang kinikita.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.