Ilang lansangan sa QC at Taguig isasailalim sa repair ngayong weekend
Magsasagawa ng road repair ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ngayong weekend.
Sa abiso ng DPWH, apektado ng repair ang ilang mga lansangan sa Quezon City at sa Taguig City na sisimulan alas 11:00 ng gabi ng Biyernes, March 9.
Narito ang mga maaapetuhang kalsada sa Quezon City:
(Northbound)
- Quirino Highway mula Pagkabuhay Road hanggang Kingspoint, inner lane
- Congressional Avenue Extension sa pagitan ng Tandang Sora Avenue hanggang Visayas Avenue, 3rd lane
- EDSA sa pagitan ng Oliveros St. at Balintawak LRT Station, 5th lane
- Congressional Avenue sa pagitan ng Cagayan St. at Culiat Bridge IV, 1st lane
- Bonifacio Avenue mula Mariveles St. hanggang Iriga St., outerlane
- Visayas Avenue sa harap ng PTV 4, outerlane
- Bonifacio Avenue mula N. Zamora St. hanggang Del Monte St., middle lane
(Southbound)
- Bonifacio Avenue crossing Sgt. Rivera, middle lane
Sa Taguig City naman apektado ang bahagi ng C-5 southbound.
Tiniyak naman ng DPWH na sa Lunes, March 12, alas 5:00 ng umaga ay mabubuksan na sa mga motorista ang mga apektadong kalsada.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.