Batas na nagbibigay ng subpoena powers sa PNP chief at sa CIDG, nilagdaan ni Pangulong Duterte
Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na magbabalik ng kapangyarihan sa ilang opisyal ng Philippine National Police (PNP) para mag-isyu ng subpoena sa mga kasong iniimbestigahan nila.
Ang Republic Act 10973 ay nilagdaan ng pangulo noong March 1.
Sa ilalim ng batas, ang PNP chief, PNP Criminal Investigation and Detection Group director, at CIDG deputy director for administration ay pinapayagang mag-summon ng indibidwal at dokumento na makatutulong sa kanilang imbestigasyon sa mga kaso.
Kung ang padadalhan ng subpoena ay mabibigong sumipot, ang PNP-CIDG ay maaring maghain ng indirect contempt sa Regional Trial Court.
Si Senator Panfilo Lacson na dati ring PNP chief ang siyang nagsulong ng pagpasa ng batas sa senado noong nakaraang taon.
Ani Lacson, kung walang subpoena powers ang PNP, mahihirapang makumpleto ang mga ginagawa nilang imbestigasyon sa kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.