Mahigit 22,000 katao, naapektuhan ng bagyong ‘Kabayan”
Aabot sa 4,565 na pamilya o 22,369 katao sa Ilocos at Cagayan Valley ang naapektuhan ng bagyong Kabayan ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.
Ayon pa sa ahensya, nasa dalawang katao ang sugatan.
Nasa labingtatlong mangingisda na nauna nang napaulat na nawawala sa Baler ang nailigtas na, pero tuloy tuloy pa rin ang search and rescue operations para sa nag-iisang mangingisa na nawawala pa rin.
Sinabi ng NDRRMC na nasa isangdaan at limampu’t tatlong bahay sa Aurora at Nueva Ecija ang nasira ng Bagyong Kabayan.
Nasa limampu’t tatlong barangay naman sa Bulacan, Pampanga at Nueva Ecija ang nalubog sa baha.
Tinataya namang aabot sa 1.1 million piso ang pinsala sa sektor ng agrikultura dahil pa rin sa bagyong Kabayan.
Sabado ng umaga, lumabas na ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang bagyo, subalit nakararanas na pa rin ng mga pag-ualan sa maraming parte ng Northern Luzon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.