CJ Sereno hindi binu-bully ayon sa Malakanyang
Walang nagananap na pambu-bully kay Supreme Court (SC) chief justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, dapat magisip-isip si Sereno kung sino ang talagang nambu-bully sa kanya.
Ani Roque, hindi na kailangang i-bully si sereno dahil ang mga kasama nito mismo sa Korte Suprema ang nagsasabi na hindi siya karapat-dapat sa kanyang posisyon.
Patutsada pa ni Roque, kung sino pa ang punong mahistrado, ito pa ang walang kakampi sa mga kasamahan nito.
Si Sereno ay matatandaang nag-indefinite leave matapos na komprontahin ng 13 mahistrado ng SC dahil sa mga alegasyong kinakaharap nito sa impeachment proceeding sa kamara.
Ilan ding mahistrado ang tumestigo sa kamara para idiin si Sereno sa impeachment.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.