Asec. Mocha Uson modelo sa mga kababaihan ayon kay Sec. Roque

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 09, 2018 - 04:57 PM

Para kay Presidential Spokesperson Harry Roque modelo para sa mga kababaihan si Presidential Communciations Operations Office Asec. Mocha Uson.

Sa isang panayam sinabi ni Roque na nakikita ng marami ang mga pinagdaanan ni Uson at ang kaniyang pagbabagong buhay.

Sinabi ni Roque na humahanga din siya na napakaraming naniniwala kay Uson at marami ang sumusunod sa kaniya sa Facebook.

Aniya, napakalaki ng potensyal ni Uson para makaroon siya ng impact sa buhay ng napakaraming naniniwala sa kaniya.

Ipinagtanggol din ni Roque si Uson sa mga bumabatikos dito.

Aniya, sinuman na mamatayan ng ama at kailanganin ng perang ikabubuhay ng pamilya ay gagawin din ang lahat.

Tapos na aniya ang naging parte ng buhay noon ni Uson at desidido naman ito at pusigido sa kaniyang pagbabao.

Ani Roque, si Uson ay nagbibigay pag-asa sa maraming kababaihan na pwedeng magkaroon lagi ng pangalawang pagkakataon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Asec Mocha Uson, Harry Roque, Radyo Inquirer, Asec Mocha Uson, Harry Roque, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.