Patay sa bakbakan ng militar at BIFF sa Maguindanao umabot na sa 19

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 09, 2018 - 03:17 PM

Umakyat na sa labingsiyam ang nasawi at 22 naman ang nasugatan sa bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Maguindanao.

Sinabi ni Joint Task Force Central spokesman at CMO Mindanao Regiment commander, Col. Gerry Besana, unang nakasagupa ng mga tauhan ng 2nd Mechanized Battalion Philippine Army ang 50 BIFF sa pamumuno ni Kumander Peni sa Barangay Lower Salbo at Brgy. Kitango, Datu Saudi Ampatuan.

Dalawang MG-520 attack helicopters at isang fighter jet pa ng Philippine Air Force ang tumulong at nagbagksak ng bomba sa mga kalaban.

Pawang miyembro ng BIFF ang 19 na asawi at 22 sugatan.

Habang nasugatan din sa nasabing engkwentro si Pfc. Reinier Molato makaraang magtamo ng tama ng bala sa kanyang braso.

Ayon naman kay Bangsamoro Islamic Freedom Movement (BIFM) Spokesman Kumander Abu Misry Mama totoong marami ang nasawi at nasugatan sa kanilang panig.

Sa Barangay Pagatin naman sa bayan ng Datu Salibo, sinalakay din ng BIFF ang isang detachment ng militar.

Pinaputukan din ng BIFF ang Maguindanao Police Provincial Office at detachment ng militar sa Barangay Labu-Labu, Shariff Aguak, Maguindanao.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: bangsamoro islamic freedom fighters, Joint Task Force Central, Philippine Army, bangsamoro islamic freedom fighters, Joint Task Force Central, Philippine Army

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.