PNP kailangan ng 2,000 SAF troopers ngayong 2018
Nangangailangan ang Philippine National Police (PNP) ng 5 batalyon ng bagong Special Action Force (SAF).
Ayon kay Police Director Rene Aspera ng Directorate for Personnel and Records Management, isinantabi muna ang regular recruitment nila sa mga PO1 hangga’t hindi napupunan ang kailangan ng SAF.
Alinsunod na rin aniya ito sa utos ni Pangulong Duterte na mas palakasin pa ang PNP sa bakbakan kasunod ng nangayaring Marawi seige noong nakaraang taon.
Sa 2,000 target ng PNP, mayroon nang 1,400 ang nasa training at may 500 pa ang pinoproseso ang mga papeles.
Sa kabuuan ay 15, 000 ang kailangan na bagong pulis kada taon.
5, 000 dahil sa mga nagreretiro, namamatay at natatanggal sa serbisyo at 10, 000 naman sa regular quota ng mga PO1.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.