Kasong rebelyon laban sa asawa ni Mohammad Maute ibinasura ng DOJ

Ibinasura ng Department of Justice ang kasong rebelyon laban sa asawa ng napatay na myembro ng Maute group.

Batay sa resolusyon ng DOJ, walang sapat na dahilan para idiin si Najiya Dilanggalen Karon Maute sa rebelyon.

Ayon sa DOJ, hindi akto ng rebelyon ang pagdadala ng pagkain sa kanyang asawang si Mohammad Maute.

Si Mohammad ay kabilang sa mga napatay na myembro ng Maute group sa limang buwang bakbakan sa Marawi City.

Si Najiya naman ay inaresto noong January 23 sa Barangay Rosary Heights 3 sa Cotabato City.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...