Pagpatay sa kapitan ng barangay sa San Juan, Batangas inako ng NPA

By Rohanisa Abbas March 09, 2018 - 01:02 PM

Inako ng Eduardo Dagli Command ng New People’s Army (NPA) ang pagpatay sa kapitan ng isang barangay sa San Juan. Batangas.

Ayon sa NPA, tagumpay ang anila’y parusa ng mga komunista laban sa mga kumonkontra sa interes ng mga mamayan.

Pinagbabaril ng suspek sakay ng motorsiklo sa Mario Valdez Sulit, kapitan ng Barangay Hugom.

Naganap ang insidente pasado alas-8:00 ng gabi noong March 1.

Itinakbo pa sa ospital ang biktima pero dead on arrival ito.

Inakusahan ng NPA si Sulit ng pagsuporta umano sa mga programang kontra sa mahihirap na nakasisira sa kabuhayan ng mga mangingisda.

Ayon sa komunistang grupo, pinagbawalan ang ilang mangingisda na dumaan sa dagat sa tapat ng high-end resorts. Itinataboy umano sila sa pamamagitan ng pagbabaril sa kanilang mga bangka.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Barangay Hugom, CPP-NPA, San Juan Batangas, Barangay Hugom, CPP-NPA, San Juan Batangas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.