Barko nasunog sa Arabian Sea, 2 Pinoy ang nawawala

Life at Sea FB Page

Dalawang Filipino seaman ang kumpirmadong nawawala makaraang masunog ang sinasakyan nilang barko sa Arabian Sea noong Martes.

Sakay ng Singaporean-flagged na “Maersk Honam” ang dalawampu’t pitong crew na kinabibilangan ng 13 Indians, 9 na Pinoy, 2 Thais, 1 Romanian, 1 South African at 1 pa na mula sa United Kingdom.

Ang barko ay patungo sana sa Suez Canal galing sa Singapore nang maganap ang sunog.

Sa statement ng Maersk Line sa kanilang website, sinabi nito na sa 27 crew, 23 ang ligtas na nailikas ng barkong ALS Ceres.

Maliban sa dalawang Pinoy, dalawa pang crew ng barko ang nawawala din, habang mayroong isa na nasawi.

Ayon sa Chief Operating Officer ng A.P. Moller-Maersk, naipag-bigay alam na nila sa pamilya ng mga crew ang nangyari.

Iniimbestigahan pa kung ano ang pinagmulan ng sunog.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...