Pinay at Syrian, inaresto sa Saudi Arabia dahil sa bomb plot

 

Inquirer file photo

Inaresto ang isang Pilipina at isang Syria national sa Riyadh, Saudi Arabia dahil sa umano’y paggawa at pagiingat ng mga bomba.

Ayon sa Saudi Press Agency, ang Pinay ay nakilala lamang sa pangalang “Lady Joy” samantalang ang Syrian ay nakilala sa pangalang Yasser Mohammed Shafiq al-Berazi.

Nakuha sa raid sa al-Fayhaa district ang mga bomb-making equipment at dalawang explosive belt na nasa pag-iingat umano ng dalawa.

Ayon sa mga Saudi authorities, kabilang umano ang dalawang naaresto sa isang ‘deviant group’ na kalimitang nakikianib sa Al-Qaeda o di kaya ay Islamic State.

Nitong mga nakaraang buwan, daan-daang mga hinihinalang sympathizers ng terror group ang dinakip sa kaharian.

Read more...