Trillanes, opisyal nang inihayag ang pagtakbo bilang Vice President

By Chona, Isa Avendaño-Umali October 04, 2015 - 05:45 PM

 

Mula kay Noy Morcoso/inquirer.net

Opisyal nang nagdeklara ng kanyang kandidatura bilang Vice President si Sen. Antonio Trillanes IV.

Inihayag ni Trillanes ang deklarasyon sa general membership meeting sa Quezon City kahapon.

Ayon sa senador, ang kanyang pagtakbo sa pagka-pangalawang pangulo ay upang palawakin pa ang kanyang pagbibigay serbisyo sa publiko.

“Isa itong mabigat na laban dahil ang ating mga kalaban, ‘yung ibang mga kandidato, dahil ang ating kalaban ay mga kilalang pangalan sa larangan ng pulitika at sila ay may pera, ngunit ako ay naniniwala na hangga’t ang ating layunin ay iahon ang ating bayan, ayusin ang ating gobyerno at tulungan ang ating kapwa at lalo na habang tayo ay magkakaisa, tayo ay magtatagumpay,”giit ni Trillanes.

Gayunman, sa kanyang pagtakbo sa susunod na eleksyon, hindi ito susuportahan ng Nacionalista Party (NP) dahil may iba pang miyembro ng partido ang tatakbo rin sa parehong posisyon tulad ni Sen. Allan Peter Cayetano.

Samantala, minaliit lamang ng kampo ni Vice President Jejomar Binay ang vice presidential bid ni Senador Antonio Trillanes IV.

Ayon kay Atty. Rico Quicho, spokesperson for political affairs ni Binay, entitled naman si Trillanes sa kanyang sariling ‘delusion’ o kahibangan.

Mula aniya sa four percent, nasa one percent na lamang ang nakukuhang ratings ni Trillanes sa iba’t ibang survey.

Gayunman, nilinaw ng kampo ni Binay na karapatan ni Trillanes na tumakbo sa anumang posisyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.