Singil sa kuryente ng MERALCO muling tataas ngayong Marso
Muling magpapatupad ng dagdag sa singil ang MERALCO ngayong buwan ng Marso kasabay ng pag-init ng panahon.
Ang dagdag-singil ay makikita na sa bill ngayong Marso at tinatayang 75 hanggang 77 centavos kada kilowatt hour ang maaring madagdag.
Ayon kay Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng MERALCO kasama na sa nasabing halaga ang 33 centavos per kilowatt hour na bahagi ng higit pisong dagdag-singil sa kuryente noong Pebrero.
Sinabi ng MERALCO na maliban sa tumaas na halaga ng kuryente mula sa mga power supplier ay tumaas din talaga ang konsumo ng kuryente dahil sa umiinit nang panahon.
Sa mga susunod na linggo inaasahan ang lalo pang pag-init ng panahon, kaya lalo pang tataas ang demand sa kuryente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.