Magnitude 7.1 na lindol, tumama sa silangan ng Papua New Guinea
Matapos ang magnitude 7.5 na lindol na tumama sa Papua New Guinea noong nakaraang linggo, muling nakaranas ng malakas na pagyanig ang bansa madaling araw ng Biyernes.
Isang magnitude 7.1 na lindol ang naitala sa layong 135 kilometro silangan ng bayan ng Rabaul na nasa isla ng New Britain.
Naganap ang pagyanig alas 3:39 ng madaling araw sa naturang bansa ayon sa US Geological Survey.
Naganap ang lindol sa karagatan at lubhang mababaw lamang sa lalim na 10 kilometro ngunit agad namang pinawi ng Pacific Tsunamic Warning Center ang pangamba sa Tsunami.
Kasabay nito, nagpalabas din ng No Tsunami Threat advisory ang Phivolcs.
Higit 100 ang namatay sa lindol na naganap sa bansa noong nakaraang linggo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.