‘Haze’ sa Cebu, posibleng galing ng Indonesia-PAGASA

 

Tonee Despojo/Cebu Daily News

Ang narararanasang ‘haze’ sa lalawigan ng Cebu ay posibleng mula sa mga nagpapatuloy na sunog sa Indonesia.

Ayon kay PAGASA forecaster Romeo Aguirre, ang monsoon winds o hangin mula sa Indonesian blazes ay patungo sa direksyon ng Central Philippines o bahagi ng Visayas, na nagdala naman ng smog.

Ang ‘haze’ mula sa lokal na polusyon sa Cebu ay pangkaraniwan na at nawawala rin sa loob ng isang araw.

Gayunman, sa loob ng isang linggo ay nakaranas ang Cebu ng bahagyang makapal at kulat blueish-gray na ulap.

Noong nakalipas na Lunes naitala ang pinamakapal na haze sa Cebu.

Nakatakda namang magsagawa ng mas malalim na imbestigasyon ang Department of Environment and Natural Resources o DENR upang makumpirma kung ano ang sanhi ng smog sa Cebu.

Ilang bansa na sa SouthEast Asia, gaya ng Malaysia at Singapore, ang apektado ng illegal fires sa mga plantasyon sa Indonesiam partikular sa Sumatra Island.

Babala ng NASA, kung hindi hihinto ang mga sunog, maituturing na itong pinakamalala sa rekord, at maaaaring malagpasan ang 9-billion dollar damage na naitala noong 1997.

Read more...