Duterte, handang ipasiyasat sa mga kritiko ang bank accounts, maliban kay Trillanes

By Chona Yu, Kabie Aenlle March 09, 2018 - 03:31 AM

Bukas si Pangulong Rodrigo Duterte na ipasiyasat maging sa kaniyang mga kritiko ang kaniyang bank accounts, maliban na lamang kay Sen. Antonio Trillanes IV.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kahit sino ay puwedeng silipin ang kaniyang bank accounts para makumpirma kung hihigit sa P40 milyon ang nilalaman ng mga ito.

Matatandaang matagal nang kinukulit ni Trillanes ang pangulo na lumagda ng waiver sa bank secrecy law upang mabuksan ang kaniyang mga bank accounts.

Samantala, nagbigay naman ng paglilinaw si Roque kaugnay ng pahayag ni Duterte na ibibigay niya ang mga detalye ng kaniyang mga bank accounts sa presidential Anti-Corruption Commission (PACC).

Nakatanggap aniya siya ng impormasyon galing sa kanilang inter-department na Viber group na hindi ito totoo, at iyon lang ang kaniyang nalalaman.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.