PNoy, personal na nakiramay sa pagpanaw ng kanyang na bodyguard

By Isa Avendaño-Umali October 04, 2015 - 05:31 PM

 

Inquirer file photo

Dumalo si Pangulong Noynoy Aquino sa libing ng kanyang dating bodyguard sa South Cotabato.

Nabatid na nag-overnight si Pnoy sa General Santos City bago bumiyahe sa South Cotabato para personal na makiramay sa mga kaanak ni PO3 Ryan “Bong” Fuyonan, 43-years old.

Matatandaang sinabi Pangulong Aquino noon na si Fuyonan ay isa sa kanyang most dependable at efficient na close-in bodyguards.

Si Fuyonan ay nagsilbi kay Pnoy mula noong mahalal siya sa Kongreso noong 2004, hanggang sa maging Pangulo ng bansa noong 2010.

Nakasama na rin ni Presidente Aquino si Fuyonan sa iba’t ibang state visits nito, hanggang sa na-diagnose na may cancer noong April 2015.

Naging mahigpit naman ang seguridad sa libing ni Fuyonan dahil bukod sa naroroon si Pangulong Aquino, maaalalang binomba ang isang bus noong isang linggo sa Polomolok, South Cotabato kung saan labing walong katao ang nasugatan.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.