Malacañang: BIR tax evasion case vs. Rappler, pagpapatupad lamang ng batas
Nanindigan ang Palasyo ng Malacañang na ipinatutupad lamang ng gobyerno ang batas nang magsampa ng P133 million na tax evasion case ang Bureau of Internal Revenue laban sa online news organziation na Rappler.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kung mayroong hindi nabayarang buwis ang Rappler, marapat lamang na managot ang mga ito sa batas.
Matatandaang idinonate na ng dayuhang kompanya na Omidyar Network ang kanilang Philippine Depository Receipts na nagkakalahaga ng 1.5 million dollars sa labing apat na Filipino managers ng Rappler.
Sinabi pa ni Roque na kapag nagkataon na siya ang nakatanggap ng 1.5 million dollars, hindi na siya magpapatumpik-tumpik pa sa pagbabayad ng kaniyang buwis.
“Kung mayroon talagang hindi nabayarang buwis dapat managot at kung ako naman ay nakatanggap siguro ng ganoong kalaking halaga na 1.5 million dollars, ako mismo magbabayad na ako ng buwis,” ani Roque.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.