Probable cause sa Sereno impeachment walang basehan ayon sa ilang kongresista

By Erwin Aguilon March 08, 2018 - 04:40 PM

Inquirer file photo

Nanindigan ang dalawang bumoto kontra sa probable cause na walang basehan upang ma-impeach si Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Dinagat Islands Rep. Kaka Bag-ao, walang napatunayan ang komite sa mga alegasyon ni Atty. Larry Gadon laban sa punong mahistrado.

Sinabi nito na ang tanging naipakita sa impeachment hearing ay may samaan ng loob ng mga mahistrado ng Supreme Court.

Paliwanag nito, nakatulong kay Sereno ang pagdinig dahil mismong ang mga resource person na mga mahistrado ang nagsabi na walang ginawang paglabag ang punong mahistrado.

Sinabi naman ni Quezon City Rep. Kit Belmonte na kulang ang complaint ni Gadon kaya walang makikitang probable cause.

Lumabas lamang anya sa pagdinig na mayroong samaan ng loob ang mga mahisrado ng korte at hindi marunong makisama ang punong hukom.

TAGS: bag-ao, belmonte, Congress, gadon, bag-ao, belmonte, Congress, gadon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.