Pasig River ferry may libreng sakay din sa mga kababaihan ngayong International Women’s Day

May libreng sakay din ang Pasig River Ferry para sa mga kababaihan ngayong International Women’s Day.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) libre ang ferry ride ng mga babae hanggang alas 6:00 ng gabi ngayong araw.

Ang libreng sakay ay para sa lahat ng istasyon ng Pasig River ferry.

Samantala, binigyang pagpupugay din ng MMDA ang mga babae nilang tauhan ngayong International Women’s Day.

MMDA Photo

Sa kanilang post sa twitter, ipinakita ang larawan ng mga babaeng metro aide at personnel ng MMDA.

MMDA Photo

Nakasaad sa post na kinikilala ng ahensya ang kanilang women workfirce at ang kontribusyon ng mga ito upang matupad ang mandato ng MMDA.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...