Sanofi Pasteur pinag-aaralang hingin ang approval ng US FDA para sa Dengvaxia
Pagdedesisyunan ng Sanofi Pasteur kung hihiling ito ng regulatory approval sa United States para sa bakuna sa dengue.
Ito ay sa kabila ng kontrobersyang kinakaharap nito sa Pilipinas.
Ayon kay David Loew, head ng Sanofi Pasteur, tumalima sila sa lahat ng regulasyon kaugnay ng Dengvaxia.
Sa isang panayam, sinabi niya na wala silang pinagsisihan sa paraan ng pag-develop sa naturang bakuna.
Ipinahayag ni Loew na lagi silang nakipagtulungan sa World Health Organization (WHO) at sa mga eksperto ng dengue community sa pagde-develop ng Denvaxia. Aniya, lagi silang transparent dito.
Matatandaang nagbabala ang Sanofi noong Nobyembre na posibleng may masamang epekto ang Dengvaxia sa mga naturukan nitong hindi pa nagkakaroon ng dengue.
Ayon kay Loew, sa loob ng dalawang buwan, pagdedesisyunan ng Sanofi ang paghahain ng regulatory approval sa US Food and Drug Administration para sa Dengvaxia.
Nakilipag-ugnayan na rin ang pharmaceutical company sa ilang external partners at mga unibersidad para subukan ang bakuna.
Magtatagal nang dalawang taon ang test na ito bago maibenta sa merkado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.