Aktor na si Bernardo Bernardo, pumanaw na

Pumanaw na ang batikang film at theater actor na si Benardo Bernardo.

Nag-post sa Facebook wall ng actor ang kaniyang pamangkin na si Susan Vecina Santos at ipinaalam sa publiko ang pagpanaw ni Bernardo Huwebes ng umaga.

Ang 72 anyos na aktor ay na-diagnose na mayroong tumor sa kaniyang pancreas noong Enero.

Mismong si Bernardo ang nagbahagi nito sa kaniyang Facebook at sinabing namamaga ang kaniyang pancreas dahil sa tumor at posibleng ito ay malignant. Nagresulta umano ito sa kawalan niya ng gana sa pagkain at pagkapayat.

Noong January at February 2018 nagdaos pa ng benefit show para kay Bernardo ang kaniyang mga kaibigan sa showbiz.

Ang dalawang show na may titulong “To BB with Love” at “A Song for Bernie” ay dinaluhan nina Eva Eugenio, Anthony Castelo, Dulce, Isay Alvarez, Marco Sison, Kuh Ledesma at mga kaibigan niya sa pelikula na sina Chanda Romero, Tomy Abuel, Rachel Alejandro at maraming iba pa.

Si Bernardo ay itinanghal na Best Supporting Actor sa Gawad Urian noong 1970s para sa pagganap niya sa pelikulang “Manila By Night”.

Matagal din siyang naging bahagi ng sitcom na “Home Along Da Riles”.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...