17-anyos na estudyante patay, 2 pa sugatan sa accidental shooting sa Alabama

March 08, 2018 - 09:14 AM

Patay ang isang 17 anyos na estudyante at sugatan ang dalawang iba pa sa accidental shooting na naganap sa isang paaralan sa Alabama sa USA.

Naganap ang insidente sa Huffman High School sa Birmingham.

Sa inisyal na imbestigasyon naganap ang accidental shooting habang papalabas na ng paaralan ang mga estudyante.

Ang nasawing estudyante ay isang 17 anyos habang nasa ospital ang isa pang estudyante na nasugatan.

Sugatan din ang isang empleyado ng paaralan pero nasa maayos nang kondisyon.

Ayon sa Birmingham police, aksidente lang ang nangyari at narecover na nila ang armas na tumama sa tatlo.

Hindi naman tinukoy pa ng mga otoridad kung sino ang responsable sa accidental shooting.

 

 

 

 

TAGS: accidental shooting, Alabama, Birmingham., Huffman High School, accidental shooting, Alabama, Birmingham., Huffman High School

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.