Ama na ginawang sex slave ang sariling anak patay matapos manlaban sa mga pulis sa QC

By Justinne Punsalang March 08, 2018 - 08:25 AM

Kuha ni Justinne Punsalang

Dead on the spot ang isang lalaki matapos manlaban sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) Station 6 sa Barangay Old Balara.

Napag-alamang anim na taon na palang hinahalay ng lalaki ang kanyang sariling anak sa loob mismo ng kanilang tahanan.

Kwento ng ina ng biktima, Miyerkules ng gabi nang magpunta sa kanyang ponagtatrabahuhan ang kanyang 13 taong gulang na anak at isinumbong na ginahasa siya ng kanyang ama.

Ayon umano sa dalagita, pinapainom siya ng pills ng ama at kapag hinahalay siya nito ay nagsusuot pa ng condom ang suspek para masigurong hindi siya mabubuntis.

Tinatakot umano ng suspek ang biktima na ipapakulam at iiwanan silang pamilya kung magsusumbong.

Ayon sa ginang, gusto sana niyang kausapin ang mister tungkol sa insidente ngunit natatakot naman siya dahil may itak ito sa bahay.

Kaya naman dumulog silang mag-ina sa mga otoridad na pumunta sa bahay ng pamilya upang kumprontahin ang suspek.

Ngunit nang makita ang mga pulis ay agad na nagpaputok ang suspek, dahilan naman upang gumanti rin ang mga otoridad na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: quezon city, Rape Suspect, quezon city, Rape Suspect

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.