7 arestado sa drug operation sa Quezon City

By Justinne Punsalang March 08, 2018 - 08:08 AM

Kuha ni Justinne Punsalang

Timbog ang dalawang lalaki matapos magsagawa ng buy-bust operation ang mga otoridad sa Barangay Bagong Pag-asa, Quezon City.

Samantalang nahuli naman ang limang iba pa matapos mahuli sa aktong gumagamit ng iligal na droga sa kalapit lamang na bahay.

Unang naaresto ang pangunahing target na si Ramil Come alyas Bukol at kasama nitong si Fyle Pangilinan na nahulihan naman ng kalibre 38 revolver na kargado ng 3 bala.

Sa kalapit naman na bahay ay naaresto naman sina Archie Come na kapatid ng pangunahing target, Jeffer De Rama, Narding Abellana na dati nang nakulong dahil sa kasong murder sa Batangas, Jayson Villas, at Martel Songco.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Station 2 commander, Police Superintendent Carlito Mantala, tatlong linggong isinailalim ng kanilang operatiba si alyas Bukol sa surveillance matapos makatanggap ng impormasyon sa pagtutulak nito ng droga.

Ngunit iginiit ng suspek na hindi siya nagbebenta ng shabu. Aniya, binabayaran lamang siya ng mga gumagamit ng droga para makapasok sa bahay ng kanyang kapatid na ginagamit namang lugar para sa pot session.

Aminado rin ang mga suspek na gumagamit sila ng ipinagbabawal na gamot at sinabing sa mga tambay sa kanilang lugar sila bumibili ng shabu.

Ayon naman kay Abellana, nagkataon lamang na naroon siya sa lugar kung saan naaresto ang mga suspek dahil maniningil siya ng utang. Aniya pa, noong nakaraang linggo lamang siya gumamit ng shabu.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: 7 arrested in Quezon City, barangay pag-asa, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, War on drugs, 7 arrested in Quezon City, barangay pag-asa, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.